Kung walang ‘corrupt,’ walang mahirap!
Bakit Aquino-Roxas?
nangangailangan ng tulong at
pagkalinga ng pamahalaan.
tatanggalin ang tiwali. Sa nakalipas
sa 12ng taon, ang Pilipinas ang kinilala
bilang most corrupt sa buong Asya.
Dahil dito, pati dangal ng Pinoy ay
ipinanakaw na ng mga mapagsamantala
sa kapangyarihan. Subalit likas na
marangal ang sambayanang Pilipino,
Kaya hindi papayag si Noynoy at
Mar na patuloy na maghari ang mga
mandarambong sa ating bayan.
Itatama ang mali. Higit sa lahat, may
takot sa Diyos at sa batas sina Noynoy
at Mar. Kaya itatama nila ang mali.
Pagkat wala silang bilyon-bilyong pisong
isinusugal sa katakot-takot mga TV at
radio ads – perang siguradong babawiin
din sa atin kung maluklok na sa
kapangyarihan. Dahil ang utang, dapat
bayaran; ang puhunan, kailangang
bawiin.
laban na tapat, laban ng lahat. Kay
Noynoy at Mar, muling maibabalik sa
sambayanang Pilipino ang kakayahang
umasa na may magandang bukas
pang naghihintay sa ating bansa.
Nakilala ang kanilang mga magulang
sa katapatan sa sinumpaang tungkulin
at sa Inang Bayan. Kailanma’y hindi nila
sinubukang ipagbili o i-transaksyon ang
pampanguluhan. Kaya sa isang labang
tapat, hindi nila tayo bibiguin.
Kinabukasan natin ang nakataya sa
eleksyon sa Mayo 10, 2010.
Ito ay isang labang tapat; ito ay laban
nating lahat.
Sa ating mga puso, dama natin kung
sino ang totoo, tapat at karapat-dapat:
si Noynoy Aquino at Mar Roxas, wala ng
nang iba pa.
Hindi lang galing, talino, at kakayahan
ang kailangan para maiahon tayo sa
kahirapan. Higit sa lahat, ang matapat
at mahusay na paglilingkod.
ang laban na tapat ay laban ng lahat!
Wednesday, February 3, 2010
Kung walang ‘corrupt,’ walang mahirap!
Posted by kaloybernad at 5:50 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment